What's Hot

May hinahanap si Poong Yeon sa 'Mirror of the Witch'

By Marah Ruiz
Published July 19, 2017 6:30 PM PHT
Updated July 19, 2017 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang paghahanap ni Poong Yeon sa kanyang ama at kinakapatid sa Mirror of the Witch, simula July 24 sa Heart of Asia, GMA. 

 

 

Hindi maintindihan ni Poong Yeon kung bakit ang kanyang kinakapatid na si Yeon Hee ay nakatira nang mag-isa sa isang bahay sa gitna ng kagubatan.

Suway man sa utos ng kanyang ama na si Hyun Seo, madalas niyang bisitahin si Yeon Hee at kuwentuhan ito tungkol sa mga bagay at kaganapan sa labas ng kanyang munting bahay. 

Sa ika-labingpitong kaarawan ni Yeon Hee, tutuparin ni Poong Yeon ang matagal na nitong hiling—ang lumabas sa bahay at dumalo sa pistahan. 

Hindi niya alam na sa labas ng mga proteksiyon ng mga talisman sa bahay ni Yeon Hee, muling mamamalas ang sumpang ipinataw sa dalaga noong ito ay sanggol pa.

Nakatakdang mamatay si Yeon Hee sa kanyang ika-labingpitong kaarawan. Bukod dito, mamamatay din ang mga taong malapit sa kanya. 

Bigla na lang mag-iiba ang hitsura ni Yeon Hee at tatamaan naman isang matinding sakit si Poong Yeon. 

Matapos ang ilang araw, gagaling si Poong Yeon mula sa misteryosong sakit. Pero bakit tila nawawala ang kanyang ama at kinakapatid? Ito ba ang naging kabayaran para sa kanyang buhay?

Si Kwak Si-yang ang gumaganap bilang Poong Yeon. Minsan na siyang napanood sa Heart of Asia series na Oh My Ghost. 

Abangan ang paghahanap ni Poong Yeon sa kanyang ama at kinakapatid sa Mirror of the Witch, simula July 24 sa Heart of Asia, GMA.