
Paano ibabalik ni Dan at ng kanyang Bakugan na si Drago ang kaayusan at katahimikan sa kalawakan?
Napaayos na nina Dan, Marucho at Shun ang Bakugan Interspace. Sa katunayan, napalawak pa nga nila ito!
Ngunit matapos ang isang laban, mapapansin ni Dan na hindi ma-kontrol ng kanyang Bakugan na si Drago ang kanyang kapangyarihan. Para maagapan ito, magsasanay ang dalawa at hindi muna sasali sa mga laban.
Habang abala sina Dan at Drago sa kanilang training, may isang misteryosong nilalang na darating sa Bakugan Interspace. Ipakikilala niya ang kanyang sarili bilang si Zenthon at magdudulot ito ng kaguluhan dahil sa kanyang malakas ng kapangyarihan.
Paano ibabalik ni Dan at ng kanyang Bakugan na si Drago ang kaayusan at katahimikan sa kalawakan?
Alamin sa Bakugan: Mechtanium Surge, simula March 5, pagkatapos ng Angry Birds Toons with Stella and Piggy Tales sa Astig Authority ng GMA.