
Isang makapangyarihang shaman si Hong Joo kaya naman isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng Inang Reyna ng palasyo.
Madalas nitong kunin ang mga payo ni Hong Joo tuwing may mga mabibigat na desisyong kailangan gawin para sa kaharian.
Nang hindi makapagluwal ng tagapagmana ang hari at reyna, si Hong Joo ang tatawagin para solusyunan ito.
Gagamitin niya ang kanyang itim na mahika para makapagsilang ang reyna ng isang prinsipe. Pero dahil sa 'di inaasahang pangyayari, kambal ang magiging anak ng reyna!
Dahil dito, isang makapangyarihang sumpa ang magdudugtong sa kanilang mga tadhana at isa lang sa kanila ang maaaring mabuhay.
Paano sisiguraduhin ni Hong Joo na siya ang makakaligtas?
Ang betaranang Korean actress na si Yum Jung-ah ang gumaganap bilang Hong Joo. Kilala siya sa Korean cult hit at critical favorite movie na A Tale of Two Sisters.
Makuha ba ni Hong Joo ang hangad niya? Abangan ito sa Mirror of the Witch, simula July 24 sa Heart of Asia, GMA.