GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

May mensahe si Hara Urduja para kay Gemma

By Abbygael Hilario
Published April 5, 2023 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Muling magpapakita si Hara Urduja (Sanya Lopez) sa panaginip ni Gemma (Kylie Padilla)!

Labis ang kalungkutan ni Hara Urduja (Sanya Lopez) sa pagkabigo niya sa kanyang laban kay Khatun Khublun (Faith Da Silva), isang reyna na nagmula sa Silangang Asya na kumuha sa kanyang mga makapangyarihang hiyas.

Sa pagbalik ni Khatun Khublun sa kanyang kaharian ay sinubukan niyang suotin ang mga ito. Ang malaking ngiti sa kanyang labi ay unti-unting nawala nang malaman niyang wala itong kapangyarihan at tanging mga inapo lamang ni Hara Urduja ang makakagamit ng mga hiyas.

Sa #UrdujaIsiwalat episode, nagkaroon ng pangitain ang Punong Babaylan na si Bulan (Janice Hung). Nakita niya ang muling pagbabalik ni Khatun Khublun.

Sa takot ni Hara Urduja na bumagsak ang Tawalisi, gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ito kahit wala na ang mga hiyas.

Muli siyang magpapakita sa panaginip ni Gemma (Kylie Padilla) para mag-iwan ng mensahe.

Uutusan niya si Gemma na hanapin ang susi sa gahum na nakapagbibigay ng lakas kahit wala na ang mga hiyas.

Ano kaya ang tinutukoy ni Hara Urduja?

Magawa kaya ni Gemma ang utos niya?

Magtagumpay kaya si Hara Urduja sa susunod niyang laban kay Khatun Khublun?

Panoorin sa susunod na episode ng Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SUGOD BAHAY ADVENTURE NINA SANYA LOPEZ, GABBI GARCIA AT JERIC GONZALES SA GALLERY NA ITO: