What's Hot

May pagtingin ba si Bianca King kay Aljur?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 2, 2020 9:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Maraming nali-link kay Aljur Abrenica na mga babae ngayon, at isa na dito ang kanyang nakatrabaho sa "The Last Prince" na si Bianca King.
Maraming nali-link kay Aljur Abrenica na mga babae ngayon, at isa na dito ang kanyang nakatrabaho sa "The Last Prince’"na si Bianca King. Ngunit ano nga ba ang kanilang tunay na relasyon? Bianca speaks out about the issue. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. starsIsa sa mga babaeng nai-issue ngayon kay Aljur Abrenica ay ang naging katambal niya at kontrabida sa katatapos lamang na fantaseryeng The Last Prince, si Bianca King. Ano kaya ang naging reaction ni Bianca tungkol sa issue na sila ay romantically involved? “I’m confused why people believe it’s true,” Bianca says. “Either gusto nilang maging totoo, or siguro naniniwala lang sila sa chemistry onscreen, pero parang ang paniniwala kasi talaga ng tao is meron talaga.” Ngunit may pagtingin nga ba si Bianca kay Aljur in real life? “Guwapong bata si Aljur,” she shares. “Karamihan ng naiinggit po sa’kin is yung mga gay ko na friends, kasi crush na crush nila talaga. Guwapong-guwapo talaga sila sa kanya. Siyempre maganda yung katawan niya, tapos pogi yung face, maamo, ayun. Hindi naman ako magpapaka-plastic, siyempre good looking din siya.” Minsan namang narinig si Bianca na nagbiro na siya dapat ang magselos sa bagong ka-love team ni Aljur na si Rhian Ramos. Gaano kaya katotoo ang kanyang birong ito? “I just joke around about it. Hindi naman kasi siya yung issue na parang, negatibo masyado so parang joke joke, sa’tin joke joke lang yun. Kahit nga kami ni Aljur we joke about it,” sagot niya. Mami-miss kaya niya si Aljur ngayong tapos na ang kanilang show together? “Sana hindi ko siya kailangang ma-miss kasi sana magkawork pa kami ng tuloy-tuloy,” she reveals. Masaya naman daw si Bianca ngayon sa kanyang pagiging single, and according to her, hindi naman daw kulang ang kanyang buhay ngayon. “Hindi [kulang] e, kasi healthy naman ang mga friendships ko sa buhay. Marami naman akong mababait na kaibigan sa paligid na nag-aaliw sa akin,” sabi ni Bianca. Pag-usapan si Bianca sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Bianca. Just text BIANCA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) BIANCA (space) ON and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.