Article Inside Page
Showbiz News
May asteroid na babangga sa Earth! Paano kaya ililigtas ni Goku ang mundo?
By MARAH RUIZ
May asteroid na babangga sa Earth! Susubukan itong pasabugin nina Goku at Krillin gamit ang Kamehameha Wave, ngunit wala itong epekto.
Buti na lang, sasabog ito ng kusa. Ngunit dahil dito, isang spaceship ang makakapasok sa Earth. Dala nito si Lord Slug at ang kanyang mga mandirigma. Gagawin nilang bagong tahanan ang Earth sa pamamagitan ng pagpapayelo ng buong daigdig.
Susubukan silang pigilan nina Gohan at Chichi. Mapapansin naman ni Lord Slug ang sumbrero ni Gohan na may Dragon Ball. Dahil nabasa niya ang isipan ni Chichi, malalaman niya ang makapangyarihang gamit nito.
Dala ang kaalamang maaari siyang humiling kay Shenron kapag nalipon na niya ang lahat ng Dragon Balls, uutusan niya ang kanyang mga mandirigma na hanapin ang mga ito.
Nang magtagumpay sila, hihilingin ni Lord Slug ang habambuhay na pagkabata.
Paano ililigtas ni Goku ang mundo mula sa napakamakapangyarihang si Lord Slug?
Abangan ito sa
Dragon Ball Fight! Presents: Super Saiyan Son Goku. Panoorin ang unang bahagi sa August 8, pagkatapos ng
Cross Fight B-Daman at ang pagpapatuloy nito sa August 9, pagkatapos ng
Pac-man and the Ghostly Adventures, dito lang sa GMA Astig Authority!