What's Hot

May serial killer sa 'Detective Conan: The Fourteenth Target'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



Malutas kaya ni Conan ang kaso bago dumami ang mga biktima?
By MARAH RUIZ



Sunud-sunod ang mga katakatakang murders na nagaganap sa siyudad. 

Maguguluhan dito ang kapulisan ngunit mapapansin ni Conan Edogawa na may kaugnayan ang mga ito sa isa’t-isa.

Mistulang may sinusundan itong isang pattern at ang clue na dapat nilang abangan ay nasa isang deck ng mga baraha.

Magiging malapit sa puso ni Conan ang kaso dahil ang isa sa magiging mga biktima ay ang ina ng kanyang kaibigang si Ran Mori. Buti na lang ay nakaligtas ito!

Malutas kaya ni Conan ang kaso bago dumami ang mga biktima?

Alamin sa Detective Conan: The Fourteenth Target! Panoorin ang Part 1 sa September 19, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa September 20, pagkatapos ng Kamen Rider OOO sa nangunguna at nag-iisang astig sa mundo ng anime, GMA.