Nakapanayam ni Lhar Santiago ang ilang Kapuso stars tungkol sa kanilang mga nunal.
By FELIX ILAYA
Para sa mga matatanda, maraming kahulugan ang mga nunal at birthmarks sa isang tao katulad na lang ng pagbibigay nito ng swerte o pagkakaroon ng angking katalinuhan. Samahan si Lhar Santiago kilalanin at alamin ang mga nunal at birthmarks ng ilang celebrities.
Kung nunal lang ang pag-uusapan wala nang mas tatatak pa sa isipan ng marami kung hindi ang nunal ng Superstar na si Nora Aunor. Pumapangalawa si L.T. o si Lorna Tolentino. Nagmistulang trademark ang kanilang mga nunal at naging asset nila ito sa pagsikat.
Nakapanayam ni Lhar si Martin Del Rosario ng 'Buena Familia' at Rodjun Cruz upang bilangin ang kanilang mga 'beauty marks.' Inamin ni Martin na mayroon siyang apat na nagko-konektang nunal na parang constellation.
A photo posted by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario) on
Kinuwento naman ni Rodjun ang pagsulpot ng kaniyang mga nunal sa noo.
Aniya "Nung bata ako, dati wala naman akong nunal tapos biglang tumubo 'to [nasa left temple] tapos sabi nila matalino. Pero totoo naman, matalino talaga ako. Tapos biglang tumubo na lang 'to [nasa gitna ng noo] 'yung sa gitna. Tapos dito na [nasa right temple] tapos dumugtong na parang triangle."
Sinabi ni Thea Tolentino ng 'The Half Sisters' na pare-pareho ang shape ng birthmark nilang magkakapatid ngunit iba-iba lang ng body part.
"Yung akin, sa tiyan, sa belly button." dagdag pa niya.
Tinuro din ng resident drag queen ng 'Celebrity Bluff' na si Boobay ang position ng kaniyang birthmark.
Aniya "Nasa may bandang hita ko siya, 'yung birthmark ko may nunal sa loob. Abnormal 'di ba?"