
Para sa karamihan, hindi kumpleto ang Pasko kung hindi ka nagsi-Simbang Gabi. Sabi kasi nila, 'pag natapos mo ito ay mayroon kang isang wish na maaaring matupad.
Sa unang istorya ng Dear Uge, tampok ang kuwento ni Aya (Sanya Lopez) na ang tanging wish ay makapunta sa Canada. Kaya naman pilit niyang kinukumpleto ang pagsisimbang gabi tuwing Pasko upang matanggap ito. Pero paano kung makilala niya ang isang lalaki na sakitin na mukhang magiging hadlang sa kayang pangarap?
Ang ikalawang istorya naman ay tungkol kay Sionie (Nova Villa), isang lola na nangangarap pa rin makilala ang kanyang “forever.” Isang araw, natupad ang kanyang wish sa pagkatao ni Pablo (Buboy Garovillo). Ito na kaya ang inaasam niyang pagmamahal?
Panoorin ang double episode ng Dear Uge na “Simbang Tabi” kasama sina Sanya Lopez, Martin del Rosario, at Denise Barbacena, at “May Asim Ba'ng Gabi?” kasama sina Nova Vila, Buboy Garovillo, Mel Kimura, at Gene Padilla.
Mapapanood ito ngayong Linggo, December 20, dito lang sa GMA-7.
Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan sa gallery na ito: