GMA Logo maybelyn dela cruz and gabby eigenmann
Source: Wish Ko Lang (Facebook)
What's Hot

Maybelyn dela Cruz, magbabalik-telebisyon matapos ang halos 10 taon sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published November 5, 2021 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

maybelyn dela cruz and gabby eigenmann


Alamin kung ano ang karakter ni Maybelyn dela Cruz sa kanyang showbiz comeback na “Aksidente” episode ng 'Wish Ko Lang.'

Matapos ang halos isang dekadang pagpapahinga sa showbiz, muling mapapanood sa telebisyon ang dating child star na si Maybelyn dela Cruz sa "Aksidente" episode ng bagong Wish Ko Lang.

Huling napanood sa GMA si Maybelyn noong 2013 sa programang Anna Karenina, kung saan nakasama niya sina Barbie Forteza at Joyce Ching.

Ngayon naman, sa kanyang pagbabalik-telebisyon ay bibida siya sa bagong Wish Ko Lang episode na “Akisdente” si Maybelyn at makakasama sina Gabby Eigenmann, Irma Adlawan, Bryce Eusebio, at Jenny Miller.

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, sinabi ni Maybelyn na bagama't nasalang agad siya sa mabibigat na eksena sa kanyang TV comeback episode ay naging maganda ang kanyang karanasan sa kanilang taping.

“I'm just so grateful kasi after a long time, 'yung set ng Wish Ko Lang 'yung una kong show na nakapag-act ako. Sobrang bait po ng mga tao,” ani Maybelyn.

Sa "Aksidente" episode, gaganap si Maybelyn bilang isang kasambahay na iibig sa anak ng kanyang amo, na gagampanan ni Gabby Eigenmann.

Bagama't tunay ang kanilang pagmamahalan, tututulan ito ng kanyang amo na gagampanan ni Irma Adlawan.

Kahit pa alukin ang karakter ni Maybelyn ng halagang PhP 300,000 para layuan si Gabby, ay ipaglalaban nila ang kanilang pag-iibigan.

“Mahirap po 'yung character ko dito and I fell in love with the son of my boss. So, ang maganda lang dun is 'yung love nila sa isa't isa, genuine naman talaga,” dagdag pa niya.

Kinalaunan ay lalayo sila at mamumuhay nang tahimik.

Magbubunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling na gagampanan ni Bryce Eusebio.

Ngunit makalipas ang ilang taon, isang aksidente ang magtutulak kina Maybelyn at Gabby upang bumalik sa tahanan ng kanyang dating amo.

Doon ay magmamakaawa sila para sa tulong na pinansyal para maipagamot ang naaksidenteng anak.

Lumambot kaya ang puso ng dating amo na ngayon ay lola na ng kanilang anak?

Paano sila bibigyan ng magandang bagong simula ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales?

Huwag palalampasin ang "Aksidente" episode ng bagong Wish Ko Lang, ngayong Sabado, November 6, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: