
Ramdam ang saya ni Maymay Entrata nang makita niya ang kaniyang pinsan na nakapagtapos ng kolehiyo.
Ibinahagi ng aktres ang masaya selebrasyon ng kanilang pamilya matapos ang graduation ng kaniyang pinsan na si Bray na pinag-aral niya.
Lahad ni Maymay, “[Nine] years ago I asked my 3 cousins/anak na to help me to break the cycle na walang naka-graduate ng University sa pamilya namin. Thank you Bray hindi mo sinayang lahat ng pagsisikap ko sa trabaho para mapag aral ko kayo.
Sinabi rin ng aktres na walang obligasyon na suklian ni Bray ang pagpapaaral sa kaniya dahil masaya na ito na makita na matupad niya ang kaniyang sariling pangarap.
“Lagi mo tinatanong kung ano ang gusto kong sukli sa sakripisyong pagpili kong buhayin kayo magkakapatid, ang masasabi ko lang Bray ay wala kang obligasyon na suklian ang pagtulong ko sainyo dahil mahal kita ng walang kapalit, makita ko lang na matupad nyo ang mga pangarap nyo at kaya nyo nang tumayo sa mga sarili nyong mga paa ay sobra pa sa kayaman na meron dito sa mundo bray.”
Dagdag pa ni Maymay, “ Salamat dahil tinupad mo pangarap mo dahil ang pangrap mo ay pangarap ko din. Isa ito sa napakalaking biyaya at achievement sa buhay ko. May God will continue to give you strength, courage, and wisdom sa panibagong chapter ng buhay mo. All Glory to God kaayo bray, Mahal na mahal kita.”
Napa-comment naman sa inspiring post ni Maymay ang co-star niya sa Hello, Love, Goodbye na si Lovely Abella.
Sabi ng former Bubble Gang comedienne, “Praise God Bunso!! Instrumento ka ni Lord da katulad nilang nangangarap. Godbless you more and more, hindi pera ang makakapagpasaya sa atin kundi kung ano ang purpose natin sa mundo eh magawa natin Goodjob bray at goodjob bunso”
Opsiyal nang inanunsyo noong May na magtatambal uli sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Again, na ididirek uli ni Cathy Garcia-Sampana.
Samantala, tingnan ang celebrituy graduates ngayong 2024 dito: