GMA Logo arjo atayde covid19
What's Hot

Mayor Benjamin Magalong kinumpirmang nagpositibo si Arjo Atayde at siyam pang iba sa COVID-19 

By Aedrianne Acar
Published August 18, 2021 10:28 AM PHT
Updated August 18, 2021 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

arjo atayde covid19


Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong: "Positive siya kaya lang nga bigla siya umalis kahapon without our knowledge..."

Kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagpositibo sa COVID-19 si Arjo Atayde at siyam pa niyang kapwa aktor.

Sa ulat ng Regional News Group-RNG Luzon, sinabi ni Mayor Magalong na nasa Baguio City ang grupo ni Arjo para sa isang lock-in taping.

"They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero hindi nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuwi sa lugar at pagbalik ay hindi nagti-triage.

"'Tapos yung monthly testing na commitment nila, hindi nila nagawa."

Kinalaunan sabi ni Mayor Magalong, "Ito ang nangyari ngayon, there are 10 people, doon sa grupo nila na out of 100, na nag-positive."

Nabanggit din niya na hindi na hinintay ni Arjo ang resultang kanyang RT-PCR bago ito umuwi.

Ayon kay Mayor Magalong, “Positive siya kaya lang nga bigla siya umalis kahapon without our knowledge umalis siya. Claiming na siya lang ang daw ang symptomatic at 'yung ibang mga kasama niya asymptomatic kaya iniwanan na lang siya at bumaba siya sa Manila.”

Labis na nag-alala ang alkalde na maaring makapanghawa si Atayde sa pag-alis nang walang paalam.

“May mga potential na puwede niya maka-infect na iba dahil dun sa ginawa niya.

"So, alamin natin... I'm in touch with him pero text messages lang para alamin ko lang.

"Binibigyan ko lang siya ng instruction na make sure na lahat ng tao mo, walang lalabas, walang aalis.

"Only to find out na iniwanan na pala niya, nakaalis na siya.”

Source: arjoatayde (IG)

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang aktor o management ni Arjo Atayde tungkol sa mga sinabi ng alkalde.

Bukas ang GMANetwork.com sa gagawin paglilinaw ng aktor.

Samantala, narito ang ilang celebrities na napagtagumpayan ang laban kontra sa COVID-19.