GMA Logo bullet jalosjos on fast talk
What's on TV

Mayor Bullet Jalosjos, nilinaw na walang problema sa pera ang 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published April 20, 2023 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bullet jalosjos on fast talk


Iginiit ni Mayor Bullet Jalosjos na hindi totoong may problema sa pera ang 'Eat Bulaga,' na dahilan umano ng mga pagbabago sa programa.

“We are financially stable and the company is okay.” Ito ang naging tugon ni Mayor Bullet Jalosjos, ang chief finance officer ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc., sa isyung may problema sa pera ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, isa-isang nilinaw ni Mayor Bullet sa TV host na si Boy Abunda ang mga haka-haka tungkol sa mga di umano'y problemang nangyayari sa programa gaya ng usapin sa pondo.

“May problema ba sa pera ang Eat Bulaga?” diretsahang tanong ni Boy.

“Honestly, wala po,” agad na sagot ni Mayor Bullet.

Paliwanag niya, “Lumabas lamang po ang haka-haka o tsismis na 'yan because when we transitioned, siyempre, we have to study everything. So, siguro part ng speculations, e, nagkakaproblema po kami sa pera.

Ayon kay Mayor Bullet, financially stable ang kompanya at wala itong problema pagdating sa pera.

“I want to assure everyone that we are financially stable and the company is okay. We're doing good, we can pay for our talents, we can pay GMA, so wala po talagang problema when it comes to money.”

Nilinaw din ni Mayor Bullet na maayos ang relasyon ng pamilya Jalosjos sa co-owner ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera, o mas kilala bilang Mr. T. Aniya, “Napakabait po na tao ni Tito Tony, he's more than a family sa amin.”

Nanindigan din si Mayor Bullet na mananatili pa rin sa GMA ang Eat Bulaga kasama ang lahat ng hosts nito kabilang ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Asahan din ang mga bagong artista na papasok at mga bagong segments na may malalaking papremyo sa “improved Eat Bulaga.”

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG NAGING MILESTONES NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: