
Nakatawag ng pansin online ang post ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang kapartido na si Councilor Ismael “Macky” Mathay IV para sa 43rd birthday nito.
Sunod-sunod ang tsismis na 'di umano ay naghiwalay na sina Macky at long-time girlfriend nito na si Underage star Sunshine Cruz. Wala pang nilalabas na opisyal na kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Lalo pang lumakas ang ingay na nauwi sa hiwalayan ang dalawa matapos ang cryptic post ni Sunshine sa Instagram noong October 9 na may temang “letting go.”
Sa Facebook post ni Mayor Zamora sinabi nito kay Macky na, “Happy birthday Councilor Macky Mathay. Ang wish ko para sayo ay 'Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo'"
Nakatanggap naman ng birthday greeting si Councilor Macky mula sa anak ni Sunshine na si Samantha sa Instagram.
Matatandaang nakadalo pa si Macky sa grand debut party ni Sam noong Agosto, kung saan nakasama pa nito si Cesar Montano, ang ex-husband ng kanyang girlfriend.
Source: mackymathay (IG)
Half-brother ng former Bubble Gang star na si Ara Mina si Macky Mathay.
TINGNAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA SUNSHINE AND MACKY DITO: