GMA Logo Manila Mayor Isko Moreno
What's Hot

Mayor Isko Moreno, nakalabas na ng ospital

By EJ Chua
Published August 25, 2021 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Manila Mayor Isko Moreno


Manila Mayor Isko Moreno, gumaling na matapos tamaan ng COVID-19.

Nakalabas na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno matapos maka-recover sa COVID-19.

Nito lamang umaga, masayang ibinahagi ni Moreno sa publiko ang mga litrato na siya ay papalabas na ng ospital kung saan isinagawa ang monitoring para sa kanyang kalagayan.

Courtesy: Isko Moreno Domagoso (FB Page)

August 15, 2021, nang pumutok ang balita mula sa Manila Public Information Office na nag-positibo sa COVID-19 si Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Si Moreno ay na-confine sa Sta. Ana Hospital sa Maynila sa loob ng halos 10 araw.

Minor cough, colds, at body pains ang naranasang sintomas ni Moreno.

Una nang ibinalita ni Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla na nasa stable condition si Moreno at mino-monitor nila ito ng husto.

Ngayong araw ay pinayagan na siyang makalabas ng ospital.

Makikita sa mga larawan na dumiretso si Yorme sa ambulansya at hindi muna nag-entertain ng interviews.

Courtesy: Isko Moreno Domagoso (FB Page)

Kasunod ng kanyang paglabas sa ospital, ililipat si Moreno sa kanyang opisina upang doon ipagpatuloy ang kanyang quarantine na magtatagal ng tatlo hanggang apat na araw.

August 19 naman nang nakalabas ng ospital si Manila Vice Mayor Honey Lacuna na unang nag-positibo sa COVID-19.

Courtesy: Manila PIO

Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities at public figures na nagpositibo rin sa COVID-19: