GMA Logo
Celebrity Life

Mayor Vico Sotto, pagmumultahin ang magtatanong tungkol sa love life

By Nherz Almo
Published December 20, 2019 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Clifford reflects on PBB journey: ‘Every ending is a new beginning’
Cebu City backs DENR probe on trash slide; all 36 bodies retrieved
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News



Pabirong sinabi ni Mayor Vico Sotto na papatawan niya ng multa ang mga magtatanong kung kailan siya ikakasal.

Sa unang pagkakataon, pinangunahan ni Mayor Vico Sotto ang pag-iisang dibdib ng 50 magkasintahan sa ginanap na kasalang bayan sa Pasig City kaninang umaga, December 20.

Maligayang binati ng 30-year-old na alkalde ang mga ikinasal sa kanyang social media accounts.

"Congratulations and Best Wishes to the 50 couples who were married this morning. This was my first time officiating a wedding," aniya.

Kasunod nito, nagbiro ang binatang alkalde sa mga magtatangkang magtanong kung kailan siya ikakasal.

Sabi ni Mayor Vico, "Ang magtanong ng, 'eh ikaw kailan ka ikakasal?' magmumulta ng 500 pesos."


Matatandaan na kailan lamang ay kinilig ang ilang fans nang makitang kasama ni Mayor Vico ang kapwa niya Atenista na si Gretchen Ho na nanonood ng isang volleyball game noong nakaraang 2019 SEA Games.

LOOK: Netizens ship Vico Sotto and Gretchen Ho

Sa nakaraang panayam sa Bawal ang Pasaway, sinabi ni Mayor Vico na wala pa siyang panahong makipagrelasyon.

"Masyadong naging busy po lalo na po ngayon, busy sa trabaho."