
Isa si Vice Ganda sa mga celebrity na hayagang nagsasalita tungkol sa mga isyu ng bansa, lalo na sa politika.
Mula sa live program ng It's Showtime hanggang sa pagsali sa mga rally, matapang na ibinabahagi ng Unkabogable Star ang kanyang opinyon at panawagan para sa madlang people.
Dahil dito, marami ang humahanga at sumasaludo kay Vice, lalo na ang kanyang mga kaibigan at co-host sa It's Showtime.
Sa isang panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi nina MC at Lassy ang kanilang suporta sa tapang at pagiging prangka ni Vice.
"Pumapalakpak kami. Proud kami na nag-voice out," kwento ng dalawa.
"Isa siya sa mga artista na kayang gawin 'yun. Matapang siya na hindi natatakot na baka mawala 'yung fame, baka mawala 'yung mga endorsements. Kaya pumapalakpak kami."
Dahil sa pagiging bukas niya sa mga isyung panlipunan, marami ang humihikayat kay Vice na pumasok sa politika.
Ngunit ayon kay MC, "Hindi siya tatakbo. Kilala ko si Vice."
Pareho ring hindi sang-ayon sina MC at Lassy na pumasok si Vice sa politika.
"Ako sasabihin ko dyan 'wag na. Magulo, e. 'Di ba [kahit nga] magkapatid mag-aawayan," paliwanag ni MC.
"Pwede mag-awayan, pwedeng hindi magkaintindihan ang magkapatid ng mahabang panahon sa politics."
Sa tanong kung sila naman ba ay may balak pumasok sa gobyerno, mariin din nilang inayawan ito.
"Wala! Magbu-beauty queen na lang ako," biro ni Lassy.
Patuloy na mapapanood sina MC at Lassy sa fun noontime program na It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, kilalanin sinong mga artista ang pumasok sa politika dito: