
Bumisita ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa noontime show na It's Showtime kamakailan.
Kasama ng batikang aktres ang kanyang co-stars sa pelikulang In His Mother's Eyes na sina LA Santos at Elyson de Dios.
Sa pagbisita ng Diamond Star sa It's Showtime, naranasan ng hosts at comedians na sina MC at Lassy ang sampal ng seasoned actress. Sa katunayan, nagkaroon ng mabilis na aktingan sina Maricel kasama ang dalawang komedyante sa stage.
Matapos ito, sinabi ni Jhong Hilario na dapat ay maging proud sina MC at Lassy matapos masampal ni Maricel.
Aniya, “Alam n'yo dapat maging proud si MC at saka si Lassy kasi kapag nasampal ka ng isang Maricel Soriano para ka nang nakakuha ng visa.”
Dagdag pa ni Vice Ganda, “Kasama 'yan sa experience mo as an actor. At saka, acting lang naman po 'yon.”
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.