
Nanalo sa unang bahagi ng back to back tapatan sa “Tanghalan ng Kampeon” grand finals sina MC Mateo at Shamae Mariano.
Sina MC at Shamae ay ang mga nakatawid ng grand finals ng “Tanghalan ng Kampeon” grand finals ngayong June 12 sa TiktoClock.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Nakalaban ni MC si Audrey Malaiba at si Shamae naman ay nakatapat si Sheena Palad.
Sila ay ang nagpabilib sa mga inampalan ng “Tanghalan ng Kampeon” grand finals na sina Renz Verano, Jessica Villarubin, at Carl Guevarra.
Alamin kung sino kina Lucky Robles, Gary Villalobo, Rica Maer, at Rdee Asadon ang mga susunod na makakapasok sa “Tanghalan ng Kampeon” grand finals bukas, June 13 11:00 a.m. sa TiktoClock.
Bukod sa grand finals, huwag kalimutang sumali sa "Kampeon Ko 'Yan" promo para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA TANGHALAN NG KAMPEON GRAND FINALISTS DITO: