GMA Logo Lassy and MC Vice Ganda
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

MC, pinagsisisihan ang naging tampuhan nila ni Vice Ganda

By Kristine Kang
Published February 3, 2026 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SILG Remulla: Car dealer, partner behind deaths of policewoman, son
Respondents in Ungka Flyover case await Ombud ruling
Here are the winners of the 2026 Grammy Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Lassy and MC Vice Ganda


MC sa dating isyu nila ni Vice Ganda: 'Ang hirap nang may kagalit lalo na kung ka-close mo.'

Isa sa mga pinag-usapan noon ang umano'y hidwaan ng magkaibigang Vice Ganda at MC Muah.

Napansin ito ng netizens matapos i-call out ng Unkabogable Star si MC sa isang vlog, kasabay ng pansamantalang pagkawala nina MC at Lassy sa It's Showtime.

Sa isang panayam kay Ogie Diaz, binalikan ng comedic duo ang naturang mabigat na isyu nila kay Vice.

Ayon kay MC, labis itong naging mahirap para sa kaniya lalo na't nadamay ang buong programa. Dahil dito, naging conscious umano siya nang makabalik sa noontime show.

"Hindi lang kasi kami nina Vice ang involved doon e. Nadamay ko 'yung isang show. So kung ano man lumabas na issue, nadamay ko 'yung isang buong show," ani MC.

"May time din na para silang na-hurt din sa nangyari sa amin ni Vice. Siyempre nasa isip ko [na iniisip nila] 'O, porke't okay na kayo, nandito na kayo ulit.' Paano naman (kami)?' Kaya ang una kong ginawa humingi ng sorry sa lahat. Kahit hindi naman sila humihingi ng sorry sa akin, humingi ako ng pasenya. Sa mga co-host ko, staff, EP, humingi ako ng pasensya."

Kuwento pa ng comedian, araw-araw pa rin silang nag-uusap ni Vice matapos ang alitan at inamin na nagka-ilangan pa sila noong panahon na 'yon.

"Sa routine namin wala naman (nagbago) pero nandoon 'yung kahit nagkagalit kami, nagkaroon ng isyu, parang mas nirespeto namin ang isa't isa," pahayag niya.

Inamin din ni MC na ito ang isa sa pinakamabigat na pagsubok sa kaniyang buhay, kung saan naapektuhan ang kaniyang mental health.

"'Yun ang natutunan ko sa pagkagalit namin ni Vice. Ang hirap nang may kagalit lalo na kung ka-close mo... 'Pag tinanong ako 'Ano 'yung regret mo sa buhay?' 'Yun. Ayoko balikan 'yun," kwento niya.

"Ang nasa isip ko rin kaya ako nagkaroon ng anxiety, 'Bakit sa lahat ng tao, bakit sa amin nangyari? Or bakit ako pa ang gumawa sa kaniya na ikakasama ng loob niya?' Nasa isip ko talaga 'yun. Ang dami naman niyang hindi ka-close na puwede niyang makaaway. Bakit ako ang nagbigay sa kaniya ng sama ng loob?'"

Sa kabila nito, marami raw siyang natutunan sa buhay at sa kanilang pagkakaibigan.

"Kailangan talaga ng communication. Hindi ko sinasabing mali 'yung nanahimik ako pero dapat kinausap ko rin siya kaagad. Kung ano 'yung nasa puso ko, dahil kaibigan ko naman siya, dapat sinabi ko na kaagad. Para hindi naman humaba," sabi niya.

"Kasi puwede mo namang sabihin na hindi pagalit, in a nice way, in a very diplomatic way na maiintindihan niya at maiintindihan ko rin."

Sa kasalukuyan, patuloy mapapanood si MC sa It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Regular din siyang nagpe-perform sa comedy bar ni Vice Ganda sa Quezon City.

Samantala, silipin dito ang ilan sa mga group friends ng celebrities sa gallery na ito.