GMA Logo Me Always You
What's on TV

Me Always You: Abby's new look!

By EJ Chua
Published June 9, 2022 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Me Always You


Nagustuhan kaya ng workmates ni Abigail ang kaniyang new look? Alamin DITO:

Sa katatapos lang na episode ng Me Always You, labis na nagulat ang workmates ni Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) sa kaniyang pagbabalik sa kanilang opisina.

Kung noon ay gulo-gulo ang buhok, may suot na salamin sa mata, at mukhang laging stress at losyang si Abby, ngayon ay tila hindi na siya makilala ng kaniyang mga katrabaho dahil sa bago niyang ayos.

Nang makita siya ng kaniyang mga kasama sa opisina, pinagkaguluhan siya dahil sa kaniyang fresh na fresh na hitsura.

Napatayo rin si Joshua (Nat Kitcharit) sa kaniyang kinauupuan nang makita niya ang babaeng kaniyang hinahangaan.

Nang sumilip naman si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri) sa opisina nina Abby, napatingin siya nang matagal sa angking kagandahan ng dalaga.

Panoorin sa video na ito kung paano sinorpresa ni Abigail ang kaniyang workmates sa kaniyang amazing transformation:

Abigail's shocking transformation

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa buhay ni Abigail sa Me Always You, mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2: 45 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Me Always You at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.