GMA Logo Me Always You
What's on TV

Me Always You: All about friendship

By EJ Chua
Published June 21, 2022 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Me Always You


Isang lalaki, na-friend zone? At may friendship naman na over na? Alamin DITO:

Sa nakaraang episodes Me Always You, puro tungkol sa pagkakaibigan ang naging usap-usapan.

Nang naging matindi na ang pagtatalo nina Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) at ng kaniyang BFF na si Myra (Malinee Adelaide Coates), nagdesisyon na ang dalaga na lumayo na lang upang hindi na lumala pa ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Dahil sa kani-kanilang issue tungkol kay Kevin (Pae Arak Amornsupasiri), tila hindi na nila muling maibabalik ang dati nilang samahan.

Sobrang pinagkatiwalaan kasi ni Abby si Myra, ngunit tila pinagtaksilan at binigo siya nito.

Imbes kasi na magpapanggap lang sana si Myra ay nahulog ang loob nito sa first love ng kaniyang kaibigan.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo, nagdesisyon na si Abigail na umalis na lamang sa tinutuluyan nila ni Myra.

Sa kabilang banda, tila na friend zone naman si Kevin kay Abigail.

Nang magkaroon ng pagkakataon na magkausap ang dalawa, hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang binata.

Tinanong niya ito kung mayroon bang problema at kung bakit umiiwas ito sa kaniya.

Nang sagutin ito ng dalaga, naluha na lamang si Kevin sa kaniyang mga hindi inaasahang marinig mula kay Abby.

Wala nga bang pag-asang maging lovers sina Kevin at Abigail?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa huling linggo ng 'Me Always You,' mapapanood ngayong Martes, Miyerkules, at Biyernes, 5: 00 p.m. at Huwebes, 2:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng 'Me Always You' sa gallery na ito: