GMA Logo Me Always You
What's on TV

Me Always You: Joshua meets Myra

By EJ Chua
Published May 24, 2022 4:43 PM PHT
Updated May 30, 2022 3:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Me Always You


Paano kaya nagkakilala ang dalawang taong malapit kay Abigail?

Sa katatapos lang na episode ng Me Always You, tila wrong timing ang pagtatagpo ng bestfriend ni Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) na si Myra (Malinee Adelaide Coates) at ang kaniyang workmate na si Joshua (Nat Kitcharit).

Habang papasok si Joshua sa tinutuluyan niyang hotel room, aksidenteng pumasok sa loob ng kwarto ang kaniyang door card.

Ngunit habang pinipilit niyang kuhanin ito, nakita siya ni Myra, ang matalik na kaibigan ni Abigail na nagtatrabaho sa hotel kung nasaan din si Joshua.

Pinagbintangan ni Myra na magnanakaw ang binata at kung anu-ano ang sinabi niya rito.

Nang sumingit na ang hotel manager sa eksena, tila napahiya ang dalaga dahil sa kaniyang mga nalaman tungkol kay Joshua.

Panoorin dito kung paano nagkakilala sina Myra at Joshua:

Magku-krus pa kayang muli ang kanilang mga landas?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa 'Me Always You,' mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes 2: 45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng 'Me Always You' sa gallery na ito: