GMA Logo Me Always You
What's on TV

Me Always You: Myra's conscience

By EJ Chua
Published May 31, 2022 7:48 PM PHT
Updated June 1, 2022 1:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Me Always You


Aaminin na kaya ni Myra kay Kevin ang sikreto nila ni Abigail?

Sa latest episode ng Me Always You, hindi na mapakali si Myra (Malinee Adelaide Coates) dahil labis na siyang nakokonsensya sa pagsisinungaling na ginagawa niya kay Kevin.

Habang si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri) ay patuloy naga-adjust sa setup nila ng babaeng inaakala niyang si Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh), tila nahihirapan na si Myra sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Sa kanilang date night, hindi na maipinta ang mukha ni Myra at kapansin-pansin na gusto na nitong umamin sa first love ng kaniyang best friend.Panoorin kung paano pilit na umiiwas si Myra kay Kevin dito:

Myra's lies

Hanggang kailan nga ba ililihim ni Myra kay Kevin ang buong katotohanan?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa Me Always You, mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng Me Always You sa gallery na ito: