GMA Logo Boy Abunda
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Media conference ng 'My Mother, My Story', puno ng nostalgia at emosyon

By Kristine Kang
Published May 9, 2024 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Maraming heartfelt stories ang ibinahagi ni Boy Abunda sa media conference ng 'My Mother, My Story.'

Isang heartwarming at intimate dinner ang nangyari sa media conference ng bagong TV special na My Mother, My Story nitong May 7.

Lahat ng mga dumalong press, nag-enjoy sa kuwentuhan kasama ang host ng naturang programa na si Boy Abunda. Dahil sa cozy setup ng lugar, mas naging intimate ang usapan ng lahat tungkol sa mga personal stories ng King of Talk sa kanyang bagong monthly talk show.

Pinasilip din ng TV special ang heartfelt nitong pilot episode na tampok sina Luis Manzano, Ryan Christian Recto, at Vilma Santos. Instant na na-hook ang press sa pinakitang teaser, kaya't naging excited ang lahat panoorin ito sa Mother's Day.

Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, ibinahagi ni Boy Abunda ang kanyang excitement para sa pilot episode.

"Excited, looking forward to watching the whole show in its final form. Kasi syempre iba 'yung doing the interview and then its produced, so I'm just excited," pahayag niya.

Inilarawan din ni Boy Abunda ang first episode na "heartfelt" dahil sa mga stories na narinig niya sa panayam nina Luis at Vilma.

"Because it's a story of a son and a mother. It's a story of- two stories, it's a story of a mother, it's a story of a son, and the intersection created by love of the two and how that relationship shaped and continued to shape Luis' life."

Maliban tungkol sa TV special, naging heartwarming at emosyonal ang usapan sa conference nang ikinuwento ni Boy Abunda ang kanyang memorable moments kasama ang kanyang ina, si Nanay Lesing.

Isa sa mga hindi niya malilimutang memory ay ang kanilang simpleng bonding magkasama sa likod ng grandstand sa Luneta. Kuwento ni Boy Abunda, madalas umaabot sila ng umaga na nagkukuwentuhan na minsan kasama ang iba pang waray sa lugar.

Bukod pa rito, hindi rin niya makakalimutan ang mga sakripisyo at pagmamahal ng kanyang ina sa kanilang pamilya. Isa sa mga naalala niya ay kung paano ginawan ng paraan ni Nanay Lesing na bayaran ang mga utang nila pagkatapos pumanaw ang kanyang ama.

Dahil sa mga aral at kuwento ng kanyang ina, naging inspirasyon ito ni Boy Abunda na gawin ang TV special para ihandog sa mga nanay at anak ngayong Mother's Day.

Mapapanood ang My Mother, My Story ngayong May 12, 3:15 p.m., sa GMA.