What's Hot

Meet the Powers

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 21, 2020 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Simula ngayong Sabado, July 24, makikilala na natin ang kakaibang family na may kakaibang powers!
Simula ngayong Sabado, July 24, makikilala na natin ang kakaibang family na may kakaibang powers! Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio starsIsa na namang kakaibang show ang dapat nating abangan tuwing Sabado, sa pagsisimula ng Kaya ng Powers sa GMA. Featuring Joey 'Tsong' Marquez, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Sheena Halili and Elmo Magalona as the extraordinary Powers family, tiyak na maaliw kayo sa kakatawa sa story nila. "Nakakatuwa nga dahil si Rufa Mae pa ang makakasama ko. Maganda na ang chemistry namin ni Rufa Mae kasi ilang beses ko na siyang nakatrabaho before. At lagi niya kaming inaaliw sa taping namin," ang sabi ni Tsong Joey during the press conference of the show. Matatandaan na nagkasama ang dalawa sa Kool Ka Lang na umere mula 1998 hanggang 2003. At ngayong mag-asawa ang ginagampanang roles ng dalawa, tiyak na riot ang kakalabasan ng istorya. Portraying their three 'powerful' children are Rhian Ramos, Sheena Halili and Elmo Magalona. "Isang taping day pa lang ang nagawa namin pero so far nahuli na namin ang loob ng isa't isa," ang kuwento din ni Rhian na inaming excited siya na mapabilang sa bagong sitcom ng GMA. "Pinipigilan namin 'yung tawa namin sa gitna ng eksena, lalo na pagdating sa pinakaending na eksena, wala na kaming binato na line sa script, as in! Pag nagpanood mo very spontaneous siya. Parang imbes na isang punch line lang ang nakukuha mo, nakaka sampu kayo sa isang eksena na hindi naman pinlano," dagdag pa niya. Synopsis Kaya ng Powers is about the family of Dr. Robert Powers (Joey Marquez), isang famous scientist na nakadiscover ng isang secret formula para maging superhero ang sino man. But something will happen to his experiment at magkakaroon ng isang malaking explosion. starsMakaka-survive ang Powers family sa pagsabog na ito, but after 15 years ay madidiskubre nilang meron na silang extraordinary abilities. Ang matitira kay Dr. Powers ay tanging ang kanyang ulo at kamay lamang. Si Stephanie (Rufa Mae Quinto), ang kanyang misis, ay maaari lamang ma-regenerate ang kanyang whole body after na mai-recharge ang singsing na nilikha ni Dr. Powers. Si Hillary (Rhian Ramos), ang eldest sa tatlong magkakapatid, ay isang shape shifter. Si Shalani naman (Sheena Halili) ay kayang kontrolin ang apoy o tubig depende sa kanyang emotions. At si Gustin (Elmo Magalona), ang kanilang bunso, ay merong super strength despite being a nerd. At ang mga extraordinary abilities na ito ay ginagamit ng Powers family para sa undercover missions nila sa kanilang lugar. Hanggang kailan kaya kayang itago ng Powers family ang kanilang kakaibang abilities? Alamin yan this Saturday, July 24 as Kaya ng Powers premieres on GMA’s Sabado Star Power, after 24 Oras Weekend. Pag-usapan ang Kaya ng Powers sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get more updates about this show from Rhian and Sheena through their Fanatxt services. Just text RHIAN or SHEENA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just text GOMMS (space) RHIAN or SHEENA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.