Article Inside Page
Showbiz News
Kristoffer Martin lends his voice once again to Ichigo Kurosaki of 'Bleach Movie: Fade to Black.'
By AEDRIANNE ACAR

Matapang at walang inuurungang laban, ilan lang 'yan sa mga katangian na minahal at hinangaan ng milyun-milyong fans ng Soul Society na nagpabago sa mundo ng Anime. Walang iba, kundi si Ichigo Kurosaki ng Bleach.
Likha ang Bleach ng sikat na Manga creator na si Tite Kubo na unang nakilala sa paggawa nya ng ZOMBIEPOWDER.
Sa ngayon, ang Bleach ay naisalin na sa iba’t-ibang lengguwahe at ipinalabas ang animated TV series nito sa Japan sampung taon na ang nakakaraan. Sa galing at talento ni Kubo, natanggap niya ang Shogakukan Manga Award for the boys category noong 2005.
Kristoffer Martin as Ichigo
At ang magboboses sa bida natin na si Ichigo sa Bleach Movie: Fade to Black na magsisimulang mapanood every Sunday morning starting July 6 ay ang Kapuso Heartthrob natin na si Kristoffer Martin.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa binatang actor, hindi nito maitago ang excitement na magda-dub uli siya for Bleach. Aniya, mahirap man daw, nag-enjoy siya sa project na ito.
“Actually hindi naman siya yung first time ko. Before, nag-dub na rin ako ng Bleach, yung role din ni Ichigo. Ngayon, mas nahihirapan ako kasi more on fight scenes siya, so mga sound effects na pasigaw puro ganun so dun lang ako medyo nahirapan.”
“Kasi nung time na nag-dub ako, medyo paos ako pero okay lang, sobrang nae-enjoy ko yung pag-dub ng mga anime.” Dagdag pa ni Kristoffer nakaka-relate siya sa character niya bilang Ichigo dahil may similarities daw sila.
“Siguro yung may paninindigan sa mga sinasabi niya, yun lang siguro kasi wala naman akong espada, wala naman akong powers. Ayun siguro, yung paninindigan niya sa sarili. Saka yung mga sinasabi niya at yung mga taong mahalaga sa kanya” saad ni Kristoffer.
Aminado ang Kapuso actor na bagama’t hindi siya fan ng mga Japanese Animes, malaking bagay daw na mapasama siya sa proyekto na ito at makapag-dub sa isa sa pinakasikat na Anime series sa mundo dahil mas na-appreciate niya na raw ito.
“Actually, hindi. Mas ano ako sa mga cartoons eh. Hindi ako fan ng anime pero natutuwa ako na yung mga fight scenes nila ganun. Natutunan ko na ma-appreciate yung anime dahil dito sa pag-dub ko nung dati pa. Ngayon mas natutuwa ako.”