What's Hot

Meg Imperial, nasaktan nang madamay ang yumaong ama sa 'fake bag' issue

By Aedrianne Acar
Published July 31, 2019 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Meg Imperial: “Bashing over a 'fake' bag… HOW DARE YOU!?”

Labis na nasaktan ang former Super Ma'am actress sa inabot na pangba-bash online patungkol sa diumano'y 'fake designer bag' na i-pinost niya sa kanyang social media account.

Meg Imperial
Meg Imperial

Meg Imperial, dinepensahan ang sarili matapos akusahan ng netizen na 'fake' ang kanyang designer bag

Sa Instagram Story ni Meg, pumalag na ito nang nadamay sa isyu ang pamilya niya, lalo na ang kanyang yumaong ama.

Saad ng aktres, “Bashing over a 'fake' bag na bigay sa akin? I don't mind actually, but idamay my dad who passed away and mom na wala naman nabigay na harm sa kanila? HOW DARE YOU!?”

“I don't have to post mu LEGIT bags para lang masabi na nakakabili ako makapagyabang lang. This is my Instagram. Di ko need is share lahat ng meron ako sa publiko.'

Pumanaw ang ama ni Meg na si Lester Hernandez Imperial taong 2017.

I will miss taking pictures of you two. Mom will be sad now that she's alone sa room and wala na sya sakit sa ulo. I love to see you smile Pa! I know you're not showy at yun ang nakuha ko sayo but I know you love us so much. I didn't know you cried when I bought Cake for you that night. The day i saw you suffer, it was so painful especially when you called me "ate" before you stop breathing. Mamimiss ko ang pagpasok mo sa room ko kapag wala ako para kumuha ng stick-O at coins. I will miss yung pag kain mo ng chocolates ko sa ref. I will miss you driving for me sa work and waiting for me the whole time. Kung alam ko lang na ngayon mangyayari to sana di na ako nag taping at umuwi na kasama mo sa Bicol to hug mama as you wish. Sana binasa ko lahat sayo ng greetings kung alam ko na wala sayo phone mo. And sana nakipag inuman ako sayo that night pa instead natulog. I love you so much pa! Please rest now...

A post shared by Meg (@megimperial) on