GMA Logo Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Megan Halari, may insecurities nga bang tinatago dahil sa inang si Dara sa 'Born to Shine?'

By Kristian Eric Javier
Published March 26, 2026 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops to secure Region 7 for Holy Week
Lalaki, napahagulgol sa kanyang nakita sa kanilang salas | GMA Integrated Newsfeed
The Mister Pilipinas Worldwide delegates are handsome in their fashion shoot

Article Inside Page


Showbiz News

Born to Shine


Alamin ang itinatago ni Megan Halari na pinagdadaanan sa 'Born to Shine.'

Insecurities at guilt ang kinikimkim ni Megan Halari (Olive May) kaya ganoon na lang ang asta niya nang matapakan siya ni Jeni (Zephanie) accidentally, at noong magkagulo ang fans para sa mga kamiyembro niya sa girl group na NIXI sa GMA Afternoon Prime series nila na Born to Shine.

Sa episode nitong Miyerkules, March 25, nakita ng fans at ni Jeni at Basha (Miggs Cuaderno) ang totoong ugali ni Megan; masungit, mapangmata, perfectionist, at maldita. Dahil dito ay pinagsabihan siya ng inang si Dara (Vina Morales) na kailangan niyang ayusin ang pakikitungo sa fans, kundi ay maaapektuhan ang kaniyang posisyon sa grupo.

Ngunit dito, sinabi ni Megan ang kaniyang hinanakit sa ina; kung papaano siya kinukumpara ng fans dito, at kung papaanong hindi niya mahigitan ang kasikatan ng kanyang ina. Kaya siya nagsusumikap at pilit na ginagalingan ay para malampasan ang karera ng kaniyang ina.

KILALANIN ANG CAST NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Ngunit tila hindi lang ito ang itinatago ni Megan. Sa episode, ipinahayag ng young singer ang guilt na nararamdaman niya sa pagkamatay ng amang si Dio (Rayver Cruz). Sa pinakitang flashbacks, makikita si Dio na nagmamaneho habang nasa likod naman ang batang si Megan.

Dahil gustong magpakitang gilas sa ama, pinilit niyang panoorin siya nitong sumasayaw, dahilan para malihis ang tingin ni Dio sa kalsada, at hindi maiwasan ang paparating na sasakyan. Dahil sa ginawa, iniisip tuloy ni Megan na siya ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang ama, bagay na itinanggi naman ng lola niyang si Amelia (Tessie Tomas).

Pag-amin ni Dara, maging siya ay hindi inasahan ang pagiging insecure ng anak sa kaniyang karera.

Pagkatapos ng ginawa niya kay Jeni at sa fans na kumalat na sa social media, ano na kaya ang kahihinatnan ni Megan? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.