What's Hot

Megan Young and Mikael Daez, ibinahagi ang opinyon tungkol sa marital concerns

By Dianne Mariano
Published July 12, 2021 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

megan young and mikael daez


Alamin ang mga sagot nina Megan Young at Mikael Daez tungkol sa ilang marital concerns sa larong “He said, She said" sa 'Unang Hirit.'

Nakatutuwa at masaya ang naging morning kwentuhan kasama ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa Unang Hirit at napasabak sila sa larong “He said, She said.”

Ibinahagi ng mag-asawa kung ano ang kanilang mga opinyon tungkol sa iba't ibang marital concerns base sa ibinigay na mgs scenario sa kanila.

Isa rito ay kung ano ang kanilang opinyon kapag mayroon gustong bilhin sa mall pero tight ang budget.

“Sasabihin ko, 'Fofo what can we sell para mabili natin?'" nakatutuwang sagot ni Megan.

Praktikal din ang naging sagot ni Mikael.

“I would say, 'Depende if it will make you happy for a very long time, sige bilhin mo. Pero kung masaya ka lang for one day, tapos pagkatapos nun wala na, huwag mo na bilhin. Magkape na lang tayo,'” sagot ng aktor.

Ayon sa dating Love Of My Life actor, kapag magpapaalam naman lumabas with friends ay madalas daw ito mapag-usapan.

“Sa totoo lang, this comes up a lot. Sinasabi namin na for more than one year, disiplinado kami, sinusundan namin lahat ng safety protocols,” ani Mikael.

Dagdag niya, “So, kung feeling namin medyo sensitive o delikado yung situation or baka maraming tao [at] hindi natin masusunod yung safety protocols, sinasabi namin 'next time na lang kasi one year na tayong safe, ituloy na natin.'”

Ayon kay Megan, nagbago na rin ang mga tanong noon at ngayon.

“Noon ang tanong: 'Saan kayo pupunta?' Ang bagong tanong ngayon, 'Vaccinated na ba?,'” sagot ng aktres.

Tinanong rin ang opinyon ng mag-asawa tungkol sa pagkalimot sa special dates gaya ng birthdays at anniversaries.

Nakatutuwa at nakakakilig naman ang sagot ng dating Marimar na aktres.

“Palagi namin nakakalimutan ang birthday ng isa't isa, ang anniversary namin.

"But it's okay kasi every day ay parang birthday, every day ay parang anniversary,” ani ng aktres.

Kilala rin sina Megan at Mikael sa kanilang #couplegoals at food and travel adventures na makikita sa kanilang mga social media accounts.

Ibinahagi ni Miss World 2013 winner na gusto muna nila magtravel ni Mikael sa Pilipinas para makatulong na itaguyod ang turismo sa bansa.

“Napag-usapan namin ni Mikael na talagang gusto namin na ay Philippines lang muna yung pag-ttravelan namin kasi we really want to help promote tourism in the Philippines,” ani Megan.

“And, at the same time, syempre gusto namin, 'Okay, dito tayo feeling natin mas safe.'

"Siyempre, nandito lang tayo sa loob ng Pilipinas,” dagdag ng aktres.

Tingnan muli ang mga magagandang kaganapan sa kasal nina Megan Young at Mikael Daez sa gallery na ito: