What's on TV

Megan Young at Katrina Halili, pinag-usapan na ang kissing scenes kay Mikael Daez

By Bea Rodriguez
Published January 11, 2018 2:40 PM PHT
Updated February 5, 2018 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shiloh Jolie to make music video debut in Dayoung's 'What's a Girl to Do'
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Unang beses magkakasama sa isang soap sina Megan Young at Katrina Halili.

Magtatambal ang real-life couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa GMA Afternoon Prime series na The Stepdaughters. Kabilang sa love triangle ang Kapuso star na si Katrina Halili na magiging leading lady din ng aktor sa drama series.

 

A post shared by Megan Young (@meganbata) on


Unang beses nilang makatrabaho ang isa’t isa kaya sumabak sila sa acting workshops para mas makilala pa ni Kapuso kontrabida ang real-to-reel couple.

“Pinag-workshop kaming tatlo before the taping so nagkatanungan na kami [kung] paano ‘yung kissing scenes [at] paano ‘yung fight scenes,” bahagi ni Katrina sa report ng Unang Hirit.

 

A post shared by Megan Young (@meganbata) on


Dream come true naman para kina Megan at Mikael na maging on-screen love team. Kinakabahan man ang aktres na ma-pair sa kanyang real-life leading man, umaapaw naman ang kanyang kasiyahan.
 
Aniya, “I’m really happy that GMA finally put Mikael and I together in a show kasi naglalambing kami parati sa bosses. Pa-sweet lang naman, but of course, the decision is always with the bosses. We’re really thankful, happy, and excited so we’re definitely giving it our all.”

Abangan ngayong Pebrero ang pagbibidahan nilang serye na The Stepdaughters.

Video courtesy of GMA News