
Oh no! Maiipit sa dalawang nag-uumpugang bato ang tatay ni Stacy (Maine Mendoza) na si Barak (Vic Sotto) sa episode ng Daddy's Gurl this weekend!
Masusubukan ang pasensya ni Barak na madadamay sa away ng mag-asawang Kim at Kanye. Ito kasing si Kim naniniwala na may ibang babae ang mister!
Ano ang mangyayari kapag kinompronta ni Kim ang diumanong kalaguyo ni Kanye?
Makikisaya sa episode ng Daddy's Gurl ang real-life couple na sina Megan Young at Mikael Daez.
Tutukan ang kanilang guesting sa kinahuhumalingan na sitcom ng buong bayan ngayong January 28, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).