
Intense ang mga eksena sa mystery-thriller series na Royal Blood ngunit kahit mabibigat at puro away ang mga mapapanood, masaya naman ang mga bida nitong sina Megan Young at Mikael Daez na unti-unting na-develop ang relationship at friendship nila sa kanilang mga co-stars.
Sa interview nila sa GMA Morning show na Unang Hirit, sinabi ni Megan na si Lianne Valentin ang isa sa pinaka-close niya sa kanilang co-stars, at ibinahagi pang itinuturing nila itong baby sister sa set.
“She's like our baby sister, niyaya namin siya mag-coffee kapag off days namin. It's nice kasi parang 'o meron tayong kapatid sa set,'” sabi ni Megan.
Bukod kay Lianne, sinabi rin ng dating beauty queen na maganda rin ang vibes at friendship na nabuo nila sa set ng Royal Blood.
TINGNAN ANG OFF-LINE KULITAN NG 'ROYAL BLOOD' CAST SA GALLERY NA ITO:
Para naman kay Mikael, ibinahagi niya na isa sa mga pinakapaborito niya sa pagtatrabaho ngayon matapos magpahinga ng ilang taon ay ang camaraderie nila ng kanilang co-stars.
“Parang lahat kami naging friends,” bahagi nito.
Dagdag pa ng aktor, masayang makatrabaho uli si Dingdong Dantes, na gumaganap bilang si Napoy Royales, at si Rhian Ramos, na ginagampanan naman ang role na Margaret Royales-Castor, na nakatrabaho na niya noon.
“It's nice parang developing these relationships and friendships,” ani ng aktor.
Samantala, ibinahagi din ni Megan sa interview na kahit pa may intense scenes at awayan na mga eksena ay hindi naman sila nagkakasakitan. Ayon pa sa aktres ay para lang silang naglalaro ng kanilang mga co-stars sa mga eksena.
Panoorin ang buong interview nila Megan at Mikael sa Unang Hirit dito: