
Isang supportive sister-in-law si Megan Young kay Emilio Daez, ang isa sa housemates ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa naganap na latest nomination night, kabilang si Emilio sa celebrities na nominado at nanganganib na mapalabas ng Bahay ni Kuya sa susunod na eviction night.
Related gallery: Emilio Daez, the equally good-looking brother of Mikael Daez
Sa X (formerly Twitter), viral ang post ni Megan, kung saan mababasa ang panawagan niya para kay Emilio na kapatid ng kaniyang asawa na si Mikael Daez.
Sulat ng Kapuso star na ex-PBB housemate, “Huwag niyo muna siyang palabasin!!! VOTE for Mio Boy [Emilio Daez] and Michael [Sager] to stay sa bahay ni kuya! #BBSMILI #PBBCollab #PBB Thank you to everyone that has voted so far!!”
Biro ni Megan kay Emilio na ipinadaan niya rin sa kaniyang post, “Magsaing ka pa dyan!!”
Huwag niyo muna siyang palabasin!!! Magsaing ka pa dyan!! 😆 VOTE for Mio Boy and Michael to stay sa bahay ni kuya! #BBSMILI #PBBCollab #PBB
-- Megan Young (@meganbata) April 21, 2025
Thank you to everyone that has voted so far!! 🫶🏻 pic.twitter.com/ae6485jYMC
Samantala, bukod kina Emilio at Michael, nominado rin ang iba pang male celebrity duos na sina Brent Manalo at Vince Maristela (BrInce) at Ralph De Leon at Dustin Yu. (RasTi).
Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.
Sino kaya ang maliligtas sa eviction night at sino naman ang lalabas na sa Bahay ni Kuya?
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.