GMA Logo Megan Young
Source: delosreyesjason (IG)
What's Hot

Megan Young, co-host ng Miss World pageant sa India

By Marah Ruiz
Published March 6, 2024 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC confirms arrest warrant for Bato Dela Rosa over drug war killings
Mag-inahan sa Cebu, Gi-heart sa mga Netizen | Balitang Bisdak
TikTok Shop honors standout creators at 2026 Creator Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Megan Young


Si Miss World 2013 Megan Young ay magiging isa sa mga host ng 71st Miss World pageant na gaganapin sa India.

Nakatakdang bumalik si beauty queen and actress Megan Young sa Miss World stage.

Si Megan, na kinoronahang Miss World noong 2013, ay isa sa mga co-host ng Miss World coronation night na gaganapin sa Marso 9, 2024 sa Jio International Convention Center sa Mumbai, India.

"Megan Young @meganbata returns to the Miss World stage co-hosting this year's event! The talented and charismatic actress, model, and tv hosted who won the Miss World title in 2013, has been recently featured on the Philippine television drama crime “Royal Blood”.

"Welcome back, Megan ❤️👑

"The 71st Miss World will be crowned on March 9th, at the @jioworldconventioncentre , 7:30 PM (2 PM GMT). The event will be live-streamed by @sonylivindia .

"#MissWorld #71MW #MissWorld71 #BWAP #BeautywithaPurpose #India #incredibleindia," Miss World announced on their Instagram account.

Isang post na ibinahagi ni Miss World (@missworld)

Sa ika-71 na edisyon ng Miss World pageant, kokoronahan ng reigning Miss World na si Karolina Bielawska ng Poland ang kanyang magiging kahalili.

Si Karan Johar, Indian filmmaker at host ng sikat na talk show na Koffee with Karan, ang magiging co-host ni Megan sa huling yugto ng pageant.

Samantala, ipinagdiwang kamakailan ni Megan ang kanyang ika-34 na kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Siya at ang kanyang asawa na si kapwa Kapuso actor Mikael Daez ay abala rin sa paggawa ng isang space na gagamitin nila bilang isang content studio.