Article Inside Page
Showbiz News
Ani Megan, healthy eating ang kailangan para mapanatili ang kaseksihan.
By AL KENDRICK NOGUERA

Bago niya nasungkit ang Miss World 2013 crown, inamin ng bagong
Marimar na si Megan Young na todo ang ginawa niyang pagda-diet para sa nasabing beauty pageant. Pero ayon sa kanya, kahit sexy ang role na gagampanan niya ngayon sa GMA Telebabad, hindi na raw niya kinailangan pang mag-diet.
"Hindi [ko sinunod 'yung diet ko nung nag-Miss World ako] eh," pahayag ni Megan.
"Iba kasi talaga 'yon. I mean I think now, siyempre ang nire-represent ko 'yung mga Pilipina, ang mga batang Pilipina," paliwanag niya.
Gusto raw ni Megan na maging aral ang kanyang preparasyon sa mga manonood. Aniya, "I want them to know na hindi mo naman kailangan talagang mag-diet basta kumain ka nang tama. You know, keep your body healthy."
Mayroon daw siyang nababalitaang mga kuwento tungkol sa mga hindi tamang pagda-diet lalo ng mga kabataan ngayon. "Kasi minsan 'yung kids, parang magda-diet pills o kung ano-ano ang diet na gustong subukan," saad niya.
Payo ni Megan sa mga gustong mag-diet, kumonsulta raw muna sa mga eksperto bago gawin ito. "Nakakatakot din mag-diet. You need a trainer and a nutritionist to help you. Basta kumain nang tama, 'yon ang importante," pagtatapos niya.