What's Hot

Megan Young, tatlong Tagalog words lang ang alam noon

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 1:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Anu-ano kaya ito?
By MARAH RUIZ
 
Unggoy, kili-kili, pusod. Ito lang daw ang mga salitang alam ni Megan Young noong kalilipat pa lang ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
 
 

A photo posted by Megan Young (@meganbata) on

 
Sa Amerika kasi ipinanganak at lumaki si Megan. Lumipat ang kaniyang pamilya sa Olonggapo noong siya ay sampung taong gulang. 
 
READ: Megan, may basbas ng Miss World ang pagiging Marimar 
 
"'Yun 'yung funny words. Dati hindi ko alam na Tagalog ang kili-kili, tapos kinakausap ko ang kaklase ko, hindi niya alam 'yung kili-kili. Sabi ko, 'This one, this one (points to armpit)' Ganun kami noong bata kami," kuwento ni Megan.
 
Buti na lang, marami ang kumakausap sa kaniya ng Tagalog kaya naman madali siyang natuto. 
 
"It was easier kasi marami kang kausap na nagta-Tagalog, mas madali 'yun. But it took time para makuha namin, para mawala ang accent. Actually mayroon pa kaming American accent kahit papano, but it took a lot of time para ma-practice talaga namin," bahagi nito.
 
READ: Megan Young to sister Lauren Young, 'Kung kailangan mo 'kong sabunutan, sabunutan mo ako
 
Bukod dito, nakatulong din na marami ang panonood niya ng mga teleserye.
 
"Ang mga pinapanood namin dati ay Sana ay Ikaw na Nga, tapos ang Ikaw Lang Ang Mamahalin. May pinapanood din kami dati na Mexicanovela. Basta lahat ng may Tagalog, pati anime, pinapanood namin para matuto," pagpapatuloy niya. 
 
Abangan si Megan, pati na sina Tom Rodriguez at Laren Young sa Marimar, malapit na sa GMA!