
Siguradong kaabang-abang ang “O-Ber Sa Tawa, O-Ber Sa Saya” Tuesday episode ng Family Feud dahil maglalaro ang P-Pop stars na Mei Mei at Press Hit Play.
Ngayong September 15, maghaharap ang rising girl group na Mei Mei at ang P-Pop boy group na Press Hit Play sa isang exciting survey showdown. Pero hindi lang pagalingan sa Family Feud survey questions ang aabangan. Magpapakita rin ang dalawang grupo ng kanilang vocals at stage presence sa magkahiwalay na production numbers.
Fresh from their May debut ang rising 8-member girl group. Maglalaro sa Family Feud sina Ada (Yellow Dolly Mei Mei) mula Silay, Negros Occidental, na isang multimedia arts student; Alexa (Purple Spark Mei Mei) mula North Caloocan, na nag-aaral ng Psychology; Jhamayka (Blue Cool Mei Mei) mula Makati City; at Althea (Pink Princess Mei Mei) na Tourism student mula Calamba, Laguna.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Ang P-Pop boy group na Press Hit Play ay nabuo noong 2018. Dahil sa years of friendship at camaraderie, siguradong may solid teamwork ang grupo. Kasama sa kanilang lineup sina Chrls, lead vocalist; Sev, main vocalist; JP, producer at main vocalist; at Yuuki, main dancer.
Abangan ang Mei Mei at Press Hit Play sa fresh episode ng Family Feud ngayong September 15, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.