GMA Logo Mel Tiangco
What's on TV

Mel Tiangco, ibinahagi ang mga paboritong mga kuwento sa '#MPK'

By Maine Aquino
Published November 23, 2022 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire hits residential area in Caloocan City
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Mel Tiangco


Alamin ang tumatak na mga kuwento kay Mel Tiangco sa #MPKMel Tiangco

Sa loob ng 20 taon ng #MPK, may mga kuwentong tumatak sa host nitong si Mel Tiangco.

Ibinahagi ito sa media conference para sa 20th anniversary celebration ng #MPK.

"Gusto ko yung genre na nakakatulong sa kapwa.

Paliwanag ni Mel, "Gusto ko 'yung hindi lang na-entertain, hindi ka lang nasiyahan sa istorya pero nakapaghandog kami sa 'yo ng realization, maybe a sense of inspiration. May ganoon na naiwan sa 'yo, na naiwan sa puso mo, naiwan sa kaisipan mo na once in a while babalikan mo. Hindi 'yung klase na nanood ka, mamaya nang kaunti wala na."

Sa loob ng dalawang dekada sa telebisyon, naiibigan din daw ni Mel ang mga episodes na may aral na mapupulot ang manonood.

"Gusto ko yung na-a-uplift 'yung tao, mayroon silang matututunan. Mayroon silang dadalhin para sa sarili nila. Ganoon yung mga type ng kuwento na naiibigan ko."

Ang mga kuwentong ito ay nakakapag-iwan rin daw sa #MPK host ng mga aral.

"Pagkatapos namin gawin ang istorya, ganoon din ang tama ng kuwento sa akin"

Abangan ang mga ipapalabas na mga special episodes ng #MPK sa kanilang 20th anniversary sa GMA Network.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP SA MEDIA CONFERENCE NG #MPK 20TH ANNIVERSARY: