What's Hot

Mel Tiangco, may babala sa text scams gamit ang pangalan ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published September 10, 2020 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

mel tiangco GMA Kapuso Foundation


Nagpaalala si Mel Tiangco na huwag maniwala sa text messages na nagsasabing nanalo kayo sa raffle ng GMA Kapuso Foundation.

Isang babala at paalala ang hatid ni GMA Kapuso Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco.

Kaugnay ito ng mga kumakalat ng text messages na nagsasabing nanalo ng malaking halaga o anumang papremyo mula sa raffle o contest ng GMA Kapuso Foundation.

Idiniin niyang walang ganitong mga pa-contest ang GMA Kapuso Foundation.

Hindi dapat paniwalaan ang mga ganitong text messages dahil at ito ay scam lamang.

"Huwag po kayong maniniwala sa mga kumakalat na text message na kayo ay nanalo sa GMA Kapuso Foundation electronic raffle o anumang uri ng pa-contest. 'Yan po ay isang text scam. Ang GMA Kapuso Foundation ay wala pong isinasagawang raffle at kailanman ay hindi nagpa-raffle," pahayag niya.


Para sa impormasyon sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumista sa website na GMANetwork.com/KapusoFoundation.

Maari ring i-follow ang official Facebook account na Facebook.com/GMAKapusoFoundation. Siguraduhing ito ay may blue check mark para masigurong ito ang tamang account.