
Isang parangal ang natanggap ni GMA Integrated News Pillar at 24 Oras anchor Mel Tiangco mula sa 7th Gawad Bagani sa Komunikasyon ng University of the East-Caloocan.
Inihandog sa kanya ang Gawad Bagani sa Larangan ng Telebisyon bilang pagkilala sa kanyang husay sa larangan ng public service.
Napili ang awardees ng Gawad Bagani sa Komunikasyon sa pamamagitan ng survey na isinasagawa ng UE Caloocan.
Nilalahukan ito ng mga estudyante, guro, at faculty ng unibersidad pati na mga residente sa ilang piling barangay sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ito ang pangatlong pagkakataon na ibinigay kay Tiangco ang parangal na ito na natanggap na niya noong 2016 at 2018.
Congratulations, Kapuso!