
Dinaan ni Melai Cantiveros sa biro ang mga usap-usapan noon na hiwalay na sila ng asawa niyang si Jason Francisco.
Sa isang Instagram post nitong Lunes, October 21, ibinahagi ni Melai ang ilang larawa nila ni Jason. Sa caption nito, may patama ang TV host-actress sa mga "marites" na mahilig intrigahin ang relasyon nilang mag-asawa.
Hirit ni Melai, “Shout out sa mga marites all over the world and Congratulations , napagtaugumpayan nyung di kami isali sa tally ng mga couple na maghihiwalay. Pa 1 yr na mga Kamsamiii infareness proud ako sainyu and itu ang most silent era ng pagka marites nyu . Pero may two months pa mga Kamsamii kaya wag dn kami makampante Char lang hahahahaha️”
Kasunod nito, naging seryoso ang komedyana nang maalala niyang ipagdiriwang nila ni Jason ang kanilang 11th wedding anniversary sa December.
Matatandaan na ikinisial ang dating Pinoy Big Brother contestants sa Holy Cross Parish sa General Santos City noong December 9, 2013.
Sabi ni Melai, “Pero maiba lang sa 11 yrs nmin ni Papang na kasal , itu yung era nmin na walang humpay na usapan, yung nanganganak ang usapan and nag kaka-apo pa . Ganyan dn ba kayu? Ng hubby nyu? Comment down below kng di nmn kayu ganyan? Mag No Comment Down Below nalang dn ️ Thank you Lord.”
May dalawang babaeng anak na sina Melai at Jason, na binansagan ng fans nila bilang “Melason.” Ito ay sina Amelia “Mela” Lucille, 10; at si Stela Rosalind, 7.
TINGNAN CUTE FAMILY MOMENTS NINA MELAI CANTIVEROS AT JASON FRANCISCO