
Panalo na nga ng jackpot prize na Php 200,000 ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hosts sa Family Feud kahapon, March 7. Pati online, wagi rin sa paghahatid ng good vibes ang mga ito lalo na ang mga nakakatawang moments ni Melai Cantiveros.
Aliw na aliw ang mga Kapuso at Kapamilya sa panonood sa kakulitan at mga hirit ng former PBB big winner.
Sa isang bahagi ng jackpot round, game na game si Melai na makipagbardagulan kay Dong na umasta na 'tila matador.
Balikan ang winning moment ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hosts sa video below.
Tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m., may More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud kaya tutukan ito sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.