
Paniguradong mapapa-laugh-out-loud tayo ngayong Linggo, January 26 dahil si Melanie Marquez ang makakasama nina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS)!
Ang dating beauty queen at aktres ang tutulong sa fun-tastic duo sa panggu-good time sa 'Pranking in Tandem' segment. Sino sa pagitan ni Melanie at ng kanyang biktimang mga party clown ang tunay na magdadala ng laugh trip?
Isang panibagong pageant with a purpose din ang papausuhin ng TBATS, ang 'Binibining BiGAYtin 2020.' Tatlong plus-sized candidates ang magpapatalbugan sa pagsabak sa National Costume, Casual Interview at Final Q&A rounds.
Sa pagtatapos ng episode, isang special production number naman ang ihahandog ni K-Pop Idol 2019 Ajay Balmores.
Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 26, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!