
“Bakit akala niyo loka-loka na ako?” Ganito ang nasabi ni Melanie Marquez nang madinig ang komento ng kanyang mga biktima sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo, January 26.
Sa 'Pranking in Tandem' segment, tila nababaliw na si Melanie nang walang bisitang dumating sa kanyang birthday party. Tanging ang biktima niyang clown at magician ang sumipot at nasaksihan ang kanyang pag-iyak at pagtawa. Anila, kinabahan daw sila sa dating beauty queen.
Sa bagong segment ng TBATS na Binibining BiGAYtin 2020, nagpatalbugan naman ang tatlong kandidata. Kilalanin sina Tiny Fulgencio, Porky Diva at Sephie Dayag.
Sino kaya sa tatlo ang pinakamatimbang pagdating sa Q&A portion? At sino ang makokoronahan sa pinausong beauty pageant ng TBATS?
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!