GMA Logo Pinoy Pawnstars
Source: bosstoyoproduction/IG
What's Hot

Memorabilia ni Francis M, nakuha uli ng Pinoy Pawnstars

By Kristian Eric Javier
Published March 24, 2024 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Pawnstars


Bagong mga memorabilia ni Francis Magalona, nakuhang muli ng Pinoy Pawnstars

Bukod sa pagiging master rapper Francis Magalona o mas kilala bilang Kiko, isa sa mga naging hobbies niya ang ang photography. Sa katunayan ay miyembro rin siya ng Photographer's Club of the Philippines.

Kamakailan, bagong mga memorabilia ni Kiko, photos na kuha mismo ng master rapper, ang ipinakita at ibinenta ni Abegail Rait, ang nagpakilalang naging karelasyon niya, kay Jayson Jay Luzadas o "Boss Toyo.”

Ayon kay Abegail, ang mga litratong iprinisinta niya kay Boss Toyo ay mga kuha umano ni Kiko noong 2007 sa kanilang mga travels. Makikita rin sa mga litrato ang signature umano niya na Ano Lagam, o balakitad na Magalona.

“Ito, mga ipapa-frame ko ito lahat, if ever magkasundo. Gaganda nito, this is something na pwede i-display sa bahay, sa shops, at magiging sought after,” ani ni Boss Toyo.

BALIKAN ANG BEST-KEPT PHOTOS NI FRANCIS MAGALONA SA GALLERY NA ITO:

Nang makumpirma ni Boss Toyo at ng kaniyang mga researchers ang authenticity ng mga litrato ay tinanong na niya si Abegail kung magkano niya ito ibebenta.

“P600,00, kasi P100,000 isa,” ani Abegail.

Medyo nabigla si Boss Toyo at sinabing medyo mahal ang presyong ibinigay ni Abegail ngunit bago pa makapag desisyon ang may-ari ng Pinoy Pawnstars ay nagbigay muna ito ng mensahe sa kanila.

“Habang nag-iisip ka, gusto ko nga pala mag-thank you sa inyo for being part of Pinoy Pawnstars' success in 2023,” sabi niya.

Pagpapatuloy ni Abegail, “Nag-open ng a lot of opportunities para sa kaniya (Chesca).”

Sa huli, bago pa nakapag desisyon si Boss Toyo, ay sinabi na ni Abegail na “joke lang” ang binigay niyang presyo dahil gusto lang niyang ibigay ang mga litrato sa Pinoy Pawnstars.

“Gusto kasi namin i-share, sa pamamagitan mo ulit, itong memorabilla-ng ito and siyempre, looking forward pa rin ako sa ayan na nga, malapit na, sa tinatayo mong museum to commemorate,” sabi niya.

Kaya naman hindi na nag-atubili si Boss Toyo na mag-deal agad sa sinabi ni Abegail.

“So siyempre tatanggapin ko ito ng maluwag sa kalooban at hinding hindi ko 'yan tatanggihan,” sagot ni Boss Toyo.

Aminado naman si Boss Toyo na nagulat siya sa ginawa ni Abegail. Balak niya umanong tawaran ang bawat litrato ng P20,000 at sinabing natutuwa siyang makuha ang mga litrato. Pangako niya sa dalawa na ipapa-frame at iingatan niya ang mga memorabilia na naiwan ni Kiko sa kanila.