GMA Logo Mercedes Cabral, Carmina Villarroel
PHOTO COURTESY: Michael Paunlagui
What's on TV

Mercedes Cabral, na-enjoy katrabaho si Carmina Villarroel sa 'Hating Kapatid'

By Dianne Mariano
Published March 16, 2026 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basilan, may pinakamataas na antas ng mga batang bansot sa Pilipinas — EDCOM II
Remains of OFW killed in Israel brought home to Pangasinan
Huwag Kang Titingin | OFFICIAL MOVIE TRAILER

Article Inside Page


Showbiz News

Mercedes Cabral, Carmina Villarroel


Nagkuwento ang aktres na si Mercedes Cabral tungkol sa isa sa intense na eksena nila ni Carmina Villarroel sa afternoon drama series na 'Hating Kapatid.'

Ikinuwento ng aktres na si Mercedes Cabral ang kanyang experience na makatrabaho ang batikang aktres na si Carmina Villarroel sa family drama series na Hating Kapatid.

Sa naturang serye, gumaganap si Mercedes bilang Melania habang si Carmina naman ay ginagampanan ang lead role bilang Roselle.

Sa pagbisita ni Mercedes sa Unang Hirit ngayong Lunes (March 16), ibinahagi ng aktres ang kuwento sa likod ng intense scene nila ni Carmina, kung saan sila ay nagkaroon ng away sa burol ni Darius (Leandro Baldemor) at ginamit ang mga bamboo bilang espada.

"Well nung nabasa ko 'yung script tas nakita ko siya, 'wow, this is something really different.' Hindi ko pa nagagawa 'yung gano'n, makipag-espadahan gamit 'yung bamboo.

"Ang na-appreciate ko naman sa kanya, it's very telenovela. And I enjoy working with Ms. Carmina kasi very professional and very, alam mo 'yon, ready talaga, and of course, Ms. Glenda talaga. Magagaling 'yung directors namin and lahat binibigay na sa amin. Kung ano 'yung kailangan, we just have to act," kuwento niya.

Ayon pa kay Mercedes, matapos gawin ang matinding eksenang ito ay nagyayakapan sila ng kanyang co-stars.

Aniya, "Before doing this scene, siyempre kailangan you have to prepare emotionally. But after, 'yun na, magre-release ka na ng emotion, magyayakapan na kayo, 'sorry natamaan ka ba? nasaktan ka ba?' May mga gano'n."

Abangan ang finale week ng Hating Kapatid, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.