GMA Logo Meryl Soriano and Mel Martinez
Photo source: FTWBA
What's on TV

Meryl Soriano at Mel Martinez, aminadong na-pressure dahil kay Maricel Soriano

By Karen Juliane Crucillo
Published November 10, 2025 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Meryl Soriano and Mel Martinez


Basahin dito kung bakit nakaramdam ng pressure sina Meryl Soriano at Mel Martinez dahil kay Maricel Soriano.

Hindi maikakaila na kilala sina Meryl Soriano at Mel Martinez sa kanilang husay sa matinding acting, lalo na't iisa lamang ang dugo nila sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, November 10, inamin nina Meryl at Mel na nakaramdam sila ng pressure noon sa pagsabak sa showbiz dahil madalas silang ikumpara kay Maricel.

“Siguro, Tito Boy, noong bata bata ako meron, 'yung dati, may mga dati nakakaano pa na 'Ay ang galing galing mo naman, pamangkin ka kasi ni Maricel Soriano,'” ikinuwento ni Meryl.

Ibinahagi ni Meryl na hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin siya ng mga ganitong klaseng komento.

“But she is the Diamond Star, and we are very honored to be related to her, and also, she is one of my greatest teachers, growing up sa industry, and she is really one of the most generous actors that I have worked with,” paliwanag niya.

Samantala, si Mel ay sinusubukang hindi ma-pressure, ngunit aminado siya na nagkaroon din ng panahon na naramdaman niya ito.

“Pressure, oo kasi given yun kapag sinabing Maricel Soriano kasi she set the bar so high,” sabi ni Mel.

Aminado rin siya na kahit nakaramdam siya ng pressure, nagabayan sila ng mabuti ng batikang aktres.

“So, noong lumaki na kami, and we found our niche, syempre we tried to, syempre ayaw naming mapahiya si Ate [Maricel] kumbaga we would like her to be proud of us, so we give our best all the time kung hindi best, gusto namin siya higitan,” biro niya.

Maliban sa pagiging magkadugo, ibinahagi nina Meryl at Mel na ang turingan nila sa isa't isa ay “mag-best friend.”

“Hindi porket mag-tito kami, mag-best friend kami, 'e meron boundary sa respect. Kasi syempre kami, we grew up kapag mas nakakatanda sayo, may respeto, which is ganoon kami ni Meryl, hindi niya ako binabastos kumbaga 'yung respeto niya sa akin is very high,” paliwanag ni Mel tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

Samantala, tingnan dito ang pamilya ni Meryl Soriano: