What's on TV

Meryll Soriano at Joem Bascon, bibida sa Valentine special ng 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published February 7, 2025 10:45 AM PHT
Updated February 7, 2025 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iñigo Jose names Kapuso actresses he wants to work with
Ogie Alcasid gives seven relationship tips for daughter Leila Alcasid
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

meryll soriano and joem bascon


Mapapanood ang real-life couple na sina Meryll Soriano at Joem Bascon sa Valentine special ng 'Magpakailanman.'

Isang real-life couple and bibida sa special Valentine presentation ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Tampok sina Meryll Soriano at Joem Bascon sa brand-new episode na pinamagatang "Unbreakable."

Gaganap sila rito bilang mag-asawang sina Charm at John Rey, na magkakaroon ng masayang pagsasama sa mga paunang taon matapos nilang ikasal.

Sa kasamaang-palad, magkakahiwalay rin sina Charm at John Rey dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga pananaw sa buhay may-asawa.

Matatagpuan ni Charm ang sarili sa isang abusive relationship. Pero nang magkaroon na siya ng lakas ng loob para iwan ang lalaking ito, muling babalik sa buhay niya si John Rey.

Tama bang bigyan pa nila ng second chance ang kanilang pagmamahalan?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode at special Valentine presentation na "Unbreakable," February 8, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.