
Mapapanood ang batikang aktres na si Meryll Soriano sa upcoming Kapuso serye na Delivery Boi, na pagbibidahan ng Sparkle actor na si Will Ashley.
Sa recent “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi niya ang kanyang excitement para sa nasabing serye dahil na-miss niya ang maghatid ng tuwa sa viewers.
“It's something that I miss doing. Lumaki kasi ako sa sitcom. 'Di ba lagi akong napupunta sa drama,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, “That's My Amboy was my last and that was also comedy. Kaya excited ako for Delivery Boi.”
Sa naging panayam naman ng GMANetwork.com kay Meryll noong Mayo, excited din ang celebrity mom sa kanyang mga makakasama sa proyektong ito.
Aniya, “I'm just so happy na good vibes ang aming show, ang Delivery Boi, at we will deliver happiness sa afternoon audience. And I'm so excited na makakasama ko 'yung cast, may mga nakasama na ako dati na ngayon lang kami nagkita at may mga bagong mga bata na makakasama ko, especially 'yung anak kong si Will.”
Bukod kay Meryll Soriano, mapapanood din ang seasoned stars na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, at Maricar De Mesa sa Delivery Boi.
Kabilang din sa powerhouse cast ng serye sina Mika Salamanca, Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, at Baninay Bautista.
Bukod sa Delivery Boi, kabilang din sa Meryll sa upcoming movie na 2 Valid IDs sa 22nd edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Related gallery: Meryll Soriano's modern family